PRIDE
So, we have this friend of ours. Actually hindi na ngayon. 3rd year classmate namin siya. Naging close friend hanggang sa nabuo ang grupo namin. Malungkot lang isipin na nabuo yung group kung kailan patapos na yung school year. Pero keribells lang kasi nalabas naman kami paminsan minsan. Movie marathon madalas. Then eto na. Pasukan na ulit! SO sad lang kasi ako nalayo sa kanila. Well, that’s life. Okay naman ako sa section ko eh. No regrets. So, dahil nga hindi na kami magkaklasmeyts, lagi akong naiiwan. OP madalas sa usapan nila. Hindi nayayaya sa mga bondings nila kasi siguro nakalimutan nila ko. Pero ok lang. Actually ayoko din kasi hello… mao-OP ako lalo kasi may mga boyfriend yun oy! Haha! So let’s jump na lang. Dumating yung araw na birthday ng isa naming friend. Laguna daw with his family. GO naman kaming lahat. Guess what?? Inindian lang naman kami </3. Ang masama pa nun, kasama namin yung adviser namin na mahal na mahal namin. HELLO? Sobrang nakakahiya kaya sa kanya. Pero oks lang kasi nag Tagaytay na lang kami. So, nagkainitan sa texts kaya hindi na lang namin pinansin. Abay hindi ba naman nagsorry samen? Kami pa lalapit sa kanila. TAMA ba yun? So walang pansinan talaga. Eh kaso biglang PROM kaya ayun nagkausap na ulit. Eh bigla nanamang nagkainitan mga month of February din. Siya may kasalanan tapos siya pa may ganang magalit? KALOKA much. Tapos mukhang gusto niyang kami pa magsorry sa kanya? Ano ba yan pre! Try mo kaya ibaba pride mo? Hay nako. So hanggang ngayon di pa rin kami naguusap. Kasi naman, pangalawang beses na yun oh? Pinalampas na namin siya sa unang kasalanan niya. Sana naman kasi nagtanda na siya. Eh hindi eh. Mas pinili niyang wag ibaba yung pride niya kesa sa pagkakaibigan namin. Ewan. Mukha namang masaya na siya sa new friends niya.
Lesson learned: Kung alam mong ikaw yung may kasalanan, wag ng magmataas kasi sa huli, baka ikaw din ang mawalan ng kaibigan.